This was last March 11, 2002

        Ito ang araw na kailangan na naming mag- perform sa Filipino kung anuman yung na - practise namin a couple of days ago. Pero bago kami nagperform ay dumaan muna ang grupo sa matinding gulo, isa na rito ang pagkawala ng leader naming si Aufric Navarro. Ummm..... as far as I can remember  ay mayroong tumitira sa batang ito but not to mention it for it's the past. Next yatang naging problema ay yung gusto nang umuwi agad ng ilan sa mga cast siyempre pwera ako hindi naman sa pagtatanggol ngunit gusto ko talagang mag - play nung mga time na iyon kahit na nung unang mga araw ay aminado ako na gusto kong palitan yung play dahil problema sa costume, buti na lang at nakaisip itong si Jireh Jair Maing ng paraan kung paano magkakaroon nito.

        Ito yung nakakatawang part tungkol sa play namin. Gumagawa kami ng props para sa play then itong si Christian Joy Tapalles ay gumagawa ng crown. Tapos siyempre yung crown merong patusok tusok sa gilid, eh napansin nina Ernanie Barricuatro at Don Manrique  kinantiyawan nila ngayon kesyo mukha raw paputok iyon. Eh di yan na inaasar na yung gawa ng girl. Pagkaraan ng ilang minutong pangangantiyaw ay mukhang napuno na itong girl  kinuha agad yung bag at nag walk out. Kami naman ay tuloy pa rin sa dahilang hawak ng isa naming kasamahan yung parang card in exchange for your i.d. para makapasok sa loob ng dorm na tinutuluyan ni Chestine Loise Jarin. Eh di sabi namin "tol babalik  iyan wala itong card na ito eh"  Makaraang makita namin hindi na siay bumabalik ay sinundan siya ni John Nam. Pagkababa ni John ay bumalik siya agad tapos sabay sabing "tol si C.J. uuwi na susundan ko lang"  ang pianagtataka ko lang ay kung bakit bitbit niya yung bag niya pero in fairness sinundan niya yung girl na akala namin ay pababalikin niya. Makaraan ang ilang segundo ay nagpasya akong sundan sila sa ibaba para back up kung sakaling hindi kayang pabalikin ni John si C.J. Pagkababa ko ang inaakala kong John na magpapabalik kay C.J. ay hindi pala nagpapabalik bagkus hinahatid pala niya itong girl patungo sa sakayan ng Taft. Siyempre alangan namang hindi ko siya pigilan di ba. Habang naglalakad patungo sa kanyang sakayan ay panay ang pigil ko na huwag muna siyang umuwi  dahil may play practice kami. Eh dahil siguro sa galit na galit siya eh sumisigaw siya (ganito iyong sigaw ni C.J. eh "ayoko na, ayoko na" ) siyempre itong mga usisero ay lumilingon dahil may sumisigaw nga diba. Habang pinipigilan ko itong si C.J. ay panay naman ang sabi sa akin ni John na "tol hayaan mo na"  .

        Habang naglalakad kami ay sinabi ko na susundan ko si C.J. hanggang bahay nila kung hindi siya babalik sa dorm ni Chestine. Eh di nakarating na kami ng sakayan ng Taft, mga ilang minuto pa ay hindi pa sumasakay itong si C.J. knowing na marami namang sasakyan patungong Taft. Nagtanong ngayon itong si John dahil kasama nga namin, "C.J. bakit hindi ka pa sumasakay?"  ang sagot naman ni C.J. ay " paano susundan ako ni Jacob pag di ako bumalik". sinagot naman ni John ay " sige sakay ka na akong bahala kay Jacob"  eh di ano pa nga bang magagawa ko. Paparating na iyong sasakyan at sumakay na itong si C.J. naging persistent naman akong sundan siya ngunit pinigilan talaga ako ni John. (buti na lang napigilan ako ni John kundi maglalakad ako papauwi wala ata akong pera nun eh)(joke)

        At March 11, 2003 ay nagperform ang grupo. Naging maayos ang takbo nito at kami ang nakakuha ng pinakamataas na puntos 1.25 at masayang masaya kami dahil nagkaroon ng kasunduan na lahat ng grupong makakakuha ng 1.5 pataas ay exempted for final examination. Ang isa pang kinatuwa ko ay may nagsabing magaling daw akong gumanap na kontra bida (naks flattered naman ako)

        Matapos nga ang play ay sabay sabay kaming kumain sa Burger King sa may Morayta at doon naganap ang isang masaklap na pangyayari. Nawala ang bag ni Chestine na naglalaman ng kanyang cellphone, pera, at kung ano anu pa. Hindi na nga ako makakain nung time na iyon sa kaiisip kung anong nagawa ko eh. Ngunit tapos na iyon eh.