Nandito Ako
-Lea Salonga

Mayroon akong nais malaman
Maaari bang magtanong
Alam mo bang matagal nakitang iniibig
Matagal na kong naghihintay

Ngunit mayroon kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y di mo pinapansin
Ngunit ganoon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa'yo

Nandito ako
Umiibig sa'yo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo
Nandito ako

Kung ako, ay, iyong iibigin
Di kailangan ang mangamba
Pagkat ako, ay para mong alipin
Sa'yo lang wala ng iba

Ngunit mayroon kanang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y di mo pinapansin
Ngunit ganoon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa iyo

Nandito ako
Umiibig sa'yo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa'yo
Nandito ako

back    home