....This
is Naismith's playground
|
|||||||||||||||||||
Q: When did you start playing basketball? A: Siguro mga 6 ot 7 yrs. Old ako. Tanda ko pa yung lugar sa proj. 6 sa tapat ng bahay namin. Q: Who influenced you to like basketball? |
|||||||||||||||||||
A: Unag-una yung parents ko, lalung-lalo na yung father ko. Siya yung unang nag-introduce sa akin sa game. Pagkatapos pati na yung mga kalaro namin naka-influence sa akin. Q: Is your dad a basketball palyer? A: Nung college years. Q: Why basketball of all sports A: Siguro yun nga, unang-una kasi lahat ng kalaro ko dun sa bahay namin yun ang nilalaro. Tapos sikat siya. Saka ko lang na-learn, na-enjoy ko yung larong yun dahil yun nga exciting, medyo physical so maganda para sa akin. Gusto ko yung ganung type. Q: What are your dreams of being a basketballl player? A: Kagaya ng karamihan ng players-makaabot sa PBA. |
|||||||||||||||||||
Q: Can you describe Paolo off the court? A: Ano..makulit, masayahin, pero madalas nasa bahay lang pag walang ginagawa. Mahilig manood ng sine…Hindi naman actually sa sinehan, tapes lang…yung lang. Q: Does being a film major gives you this opportunity to appreciate these films? |
|||||||||||||||||||
A: OO.Ano yun eh, actually yan yung isang reason kung bakit ko kinuha yung film dahil nung high school days ko, mahilig na akong manood ng mga movies. So nung nang magkaroon ako ng chance sa college na makuha yung film, naging interesado ako kung paano ginagawa yun. So tama ka, nagkaroon a ko ng deeper appreciation sa movies. Q: Given a chance, kunwari hindi ka pa nakakapasok sa film major anong ibang course ang kukunin mo? A: Actually, nag-apply ako sa Met. Engg. Hindi ko alam na mahirap pala yun, pero hindi ako nakapasok. So yun lang yung choice ko Met. Engg…extremes nga eh..Sak films. Q: Can you tell us a brief history of your career highlights. Just start with your elementary? A: Nung grade two inenroll ako ng nanay ko sa Milo Best.. Pagkatapos ng Milo Best, mga grade 3, 4, 5 naging part ako ng SBP, ano yun eh, league ng Milo Best Tapos nung grade 6, naging member ako ng PASSARELLE. Sa PASSARELLE kami yung UP yung naging champion. Nakilala ko na si Andrei nun, tapos nasira na yung .. hindi. Tapos first year saka second year ako, hindi na ako sumali ng team UP. Nagconcentrate ako sa pag-aaral. Nung 3rd year high school ko yun nagkaroon ako ng chance na sumali sa UP juniors sa UAAP. So nung 3rd year high school dunn ako pumasok sa UAAP. Q: Nag try-outs ka? A: Oo, ang dami namin nin. Siguro 70 yata kaming nag-try-outs..Tapos nung 4th year, tinuloy ko na hanggang college. Naging member din ako ng RP youth team dito sa Manila ginanap. Pagkatapos, 1st year ko yata or 2nd year, naging member ulit ako ng RP youth team. Pagkatapos, papasok sana ako ng RP men's team jkaso lang nagkaron ako ng injury. So ngayon ko pinagpatuloy ko yung paglalaro ko. Kagagaling ko lang sa one-year lay-off sa Basketball. Q: You were famous during high school for scoring about 69 points in a game. Can you tell us more about that? A: Ang natatandaan ko lang kasi nun, never pa kasing nakapasok ang high school sa UAAP sa semi-finals, so parang kami nagkaron ng goal na makapasok sa semis..So yung day na yun, kailangan naming mabeat yung UE para sure na kami sa semis. Yun lang yung naging motivation ko. Pero hindi ko alam na ganun na karami yung nasho-shoot ko(68). Sabi lang sa akin ng referee gawin ko nang 70. |
|||||||||||||||||||
Q: Nung nag-lay-off ka? A: Kasi nagsimula yon ng mga January yata Q: Year? A: 1998. Last year lang. Nag-lalaro ako sa Red Bull sa PBL championship against Tanduay..Tapos naglay-up ako, nagkaron ako ng |
|||||||||||||||||||
masamang fall nag-swell yung ECL ko..tuhod. Ang nangyari dapat operahan kaso lang med yo iba yung.. Stable 'yung knee ko, nakakatalon, nakakatakbo. So, basta nagtagal pa, nag-rest ako for two months. Tapos nag-training na ako sa UP para sa UAAP. Tapos palagay ko wala namang nangyayari sa akin. Tapos nung malapit na yung UAAP siguro June o July nagkaroon ulit ako ng aksidente tapos yun na yung nag-convince sa akin na kailangan ko nang magpa-check up. Sa check-up na-confirm na ECL Tear kailangan operahan. May nag refer sa amin sa States, pagpunta namin doon meron akong dalawang choices. Either gamitin o kukuha ng ligament sa akin o ang i-replace don sa ECL tear o kaya kukuha ng ligament sa isang cadaver tapos yun ang I-rereplace sa ligament ko. Ngayon merong mga risk. Yung mga risk sa pagkuha ng ligament sa iyo merong tendency an mag-weaken yung ibang parts ng knee mo. Pero one our four patient naman yung nangyari. Tapos sa cadaver naman wala namang risk na magkasakit kasi ite-test naman nila yun. Ang nakita kong advantegous sa cadaver yung healing part mas matagal pero kung theraphy mo maayos parehas na rin. Mas prefer ko yung cadaver so yun ang pinili ko. Ang nangyari naman "I had to wait for three more months. Kasi wala pang makuhang cadave at tsaka ite-test pa nila yun eh. kung maayos at walang sakit. Sa madaling salita na-operahan ako mga October 8, so ayun 6 months na theraphy tapos laro na. Q: Siyempre, matagal kang nawala hindi ka ba nanibago pagbalik mo? A: Medyo lang kasi part ng theraphy ko ano.. parang dito na sa basketball court para yung reflexes ko hindi masyadong mawala. Ang naging problema ko lang yung weight ko, kasi malakas akong kumain tapos nasa bahay pa ako, so tumaba ako noon eh.. sa injury ko kailangang pumayat ako pero wala na akong ibang naging problema. |
|||||||||||||||||||
Home | Profile | Misc. Info | X-Men | Exit |
|||||||||||||||||||