Heto ka nanaman aking nasilayan
Tinignan mula ulo hanggang paa
Di man talaga nakakatawag pansin
Taglay naman ay kabutihang hanap ko
Nasayo na ang katangiang hanap ko
Ngunit kelan kaya ako mapapansin
Kung siya na lang ang lagi mong nakikita
At ni hindi man lang ako napupuna
Di man isipin, yun pa rin ang totoo
Di man aminin ako ay nasasaktan
Kahit pa paikot-ikutin ang mundo
Puso ko’y ikaw pa rin ang laging laman
Di baling masaktan at lumuha ako
Makita ko lang na ikaw ay masaya,
Masaya na rin ako para sa iyo
Kahit na ako ay nagmumuhang tanga
Marahil ikaw nga ay talagang manhid
Na tila isang batong hindi matibag
O di naman kaya ay isang sibuyas
Pinaluluha, walang malay na tao
Ngunit kahit na ano pa ang mangyari
Ako ay palagi pa ring nagdadasal
Na sana ako ay iyong mapansin din
At pag-ibig ko sayo ay masuklian
|